Pwede umapela?
Aapela ako dun sa sinabi ni Ryan kagabi sa PBB yung…
“Hindi panliligaw ang pinatatagal, kundi relasyon.”
-Ryan Boyce of PBB teen edition 4
Para sakin lang naman ito. maling mali yang quotes na yan kasi para sa akin ang panliligaw, dyan mo ipu-prove kung worthy nga tayong mga lalaki sa matamis na ‘OO’ ni babae, hindi yan tungkol sa regalo o mga matatamis na salita na sinasabi o ibinibigay mo sa kanya habang na stage pa kayo ng ligawan kundi kung paano mo naipapadarama na mahalaga siya sa iyo, oo kapag relasyon pwede mo namang gawin yun pero iba pa rin yung kapag may medyo mahaba o talagang mahabang ligawan na naganap kasi iba yung pundasyon ng relasyon niyo, kakaiba yung nagkokonekta sa inyo ng iniirog mo.
sabi ko nga sa twitter…
Courting someone you love is a way of prooving that you really love her. the longer, the better.
(pasensya nga pala kung may maling grammar. haha!)
pero di ko naman sinasabi sa mga babae na tagalan niyo yung pagsagot ng “OO” sa lalaking iniibig mo talaga siyempre kung feel mo na mahal mo na talaga siya at sapat na yung mga naipakita niya para patunayan na mahal ka nga talaga niya at tingin mo nararapat na sagutin mo na siya bakit hindi di ba?
NOTE: wag po tayong magpapaniwala sa mga kung ano-anong quotes na kumakalat usisain muna kung tama ba ang ipinapahayag nito hindi yung agree ka ng agree kahit maari ka namang tumayo at sabihing mali yan.
Yun lamang po, Thank You!
Andrew E. Hindi mapagkakatiwalaan?
Gulat ka sa title mo? joke lang yan! pero ang totoo niyan may pinaghuhugutan ako sa title nitong post ko….
Sa tuwing manonood ako ng telebisyon na minsan ay natatapat sa oras ng Face to Face at Personalan, hindi ko maipagkakakaila na ako ay tumitigil para panoorin at alamin kung ano ang isyu at ang madalas na isyu ay…..PAMBABABAE!
hindi natin kaila na madalas si Juan ay matulis! (Courtesy of I-Juander…joke!) ngunit minsan talaga naloloka ng nanay,tatay,kapatid,kapitbahay (oo TV kasi ng bayan yung TV namin eh) at pati ako dahil ang Juan na matulis ay hindi GWAPO kundi Panget (No offense meant). grabe mas madalas talaga na panget yung nambabae na idinudulog dun sa FTF at Personalan. yung isa sabi nung baba Marvin Agustin daw, hindi naman mukha namang Marvin Bangustin at yung isa naman sabi daw Derek Ramsay, hindi rin naman!
Eto na bakit nadamay si Andrew E dto! hahaha! eh kasi si Andrew e yung kumanta ng… “Humanap ka ng pangit” at sabi niya pa dun sa kanta…
Kung gusto mong lumigaya ang iyong buhay
Humanap ka ng pangit at ibigin mong tunay
Isang pangit na talagang ‘di mo matanggap
At h’wag ang lalaki na iyong pangarap
Ngunit handang-handang iwanan ka naman sa sandali
Na ikaw ay wala nang ibigay, ‘di ba?
Kaya pangit na lalaki ang hanapin mo ‘day
Kung hindi, sige ka puso mo’y mabibiyak
parang di na applicable yung sinabi niya sa kanta sa panahon ngayon dahil grabe na rin mambabae ang mga pangit.
o siya tama na to baka kasuhan pa ako ni Andrew E ng Libelo :p
NOTE: Pangit din po ako kaya ako ang hanapin niyo! CHos! hahahaha!
That Should Be Jessica.
ok, ok! ako na ang bitter! sige na kahapon ko pa di tanggap at alam kong huli na itong post ko na ito para kay Jessica. pero bakit ba? affected pa rin ako eh! paki nyo!
Alam nyo kasi kung sa kantahan ang pagbabasihan, aba’y lamang si Jessica kay Phillip at alam kong alam yan ng mga AI Judges, Hindi ko masasabi na nanalo si Phillip dahil sa kagwapuhan pero maari meron nga dito sa Pilipinas nagtatagal sa contest dahil gwapo eh for example ***, hahaha! o kaya naman dahil sa simpatiya kasi nga diba may sakit siya? o sadyang maraming fans o kaya naman ay diskriminasyon.(Di ko lang alam kung uso pa ito sa Amerika pero ayun ang nakikita nung iba)
malamang sa malamang hindi pa nga siguro handa ang America na tumanggap ng isang may ibang lahi.
The Lady Gaga Issue!
Lakas talaga maki-uso ng Pinas ‘no? Imagine pati pulitiko ginamit si Lady Gaga. Apektado ako sa issue na ito kasi isa sa mga artist ngayon na sadyang hinahangaan ko ay isa si Lady Gaga, Gusto ko ang mga kanta niya. Kanina nakapanood ako ng balita na sinabi ng pari na…KUMPIRMADO DAW NA SATANISTA SI LADY GAGA! Wow huh! saan kaya niya nakuha yun? eh ako nga ilang beses kong na-google at hinanap yan pero bigo ako, wala akong nahanap na article na interview sa kanya o kaya naman ay video na interview kay Gaga na kinumpirama niya nga na Satanista siya!
Satanista ba yung nag raise ng pera para sa Haiti at Japan noong sila ay dumadaan sa matinding krisis? dahil sa simpleng literal na pagintindi nila sa isang kanta nawala at nabura ang mga ginawa ni Lady Gaga!
Okay, si Kelly Clarkson nga rin pala may kantang “Judas” baka gusto niyo din siyang i-ban dito sa Pilipinas.
OPM….ano na ang nagyari sa’yo?
Hindi sa pagbubuhat ng sariling bangko pero isa tayo sa mga bansang hinahangaan pagdating sa ating musika. andiyan si Charice,Regine Velasquez at iba pang Pilipino na kilala sa iba’t ibang panig ng mundo dahil sa kahusayan sa larangan ng pagkanta pero bakit nagkaganito ang sarili nating musika? kanta na tungkol sa isang laro? kanta tungkol sa isang social networking site? andaming topic na pwedeng gamitin sa kanta pero bakit ganoon? yun ang ginagawa nilang topic? dahil ba ito ay patok? ano ba naman yan.. hindi na ako magtataka kung may lalabas na kanta tungkol sa Twitter, Simsimi at iba pa.
Namimiss ko ang dating OPM na kung saan talagang tinatangkilik ng bawat Pilipino ang bawat kanta ng ating mga mang-aawit.
COVERS.
Minsan naasar ako sa mga nagcocoment sa nagcocover ng mga kanta pero hindi naman ako against sa mga nagcocover. kasi nabuburaot ako na makabasa ng comment na….
“MUCH BETTER THAN THE ORIGINAL!”
ALam niyo kasi talagang magiging mach better yun sa original kasi nga cover yun kailangan talaga medyo iba siya at medyo mas maganda siya kesa sa original kasi naman kapag parang kapareho lang yan nung original, walang papansin nun! baka boses lang naiba dun.
Thumbs up to OPM!
Di ako fan ng OPM pero masaya ako kahit di masyadong sumisikat ang mga kanta ng ating bansa dahil nga natatabunan sila ng kasikatan ng mga kanta na galing sa ibang bansa. bakit? kasi kahit paano malinis pa rin ang musika natin, pano ko nasabi? wala pa akong naririnig na kanta ng mga singer natin na direct sa pagsasabi ng SEX,BITCH,HOE at kung ano ano pang mga masasamang salita. OO nga’t may mga kanta tayo na nagpapatungkol sa sex pero minsan hindi mo malalaman na dun nga pinapatungkol yun kung hindi mo iaanalyze yung lyrics dahil hindi nga directly na nasdadabi ng mga kung ano-anong bagay ang mga singer natin. Paulit ulit man ang mga topci ng mag kanta natin dito sa Pilipinas pero at least di ba? hindi sila nagpapatungkol sa mga kung ano ano.
Sa ibang bansa kasi di ba lantaran ang pagsasabi ng TANGA,BOBO,MALANDI sa mga kanta nila? san atin kasi makarinig ka man ng ganung salita sa kanta malamang pang kanto yung mga kantang yun.
I don’t wanna study, I just wanna party.
Ewan ko ba sa mga kanta ngayon bakit hindi na makabuluhan kaya hindi na ako magtataka kung darating yung araw na halos lahat ng kabataan ay ayaw mag-aral. naasar ako sa kantang to sa tuwing maririnig ko ito sa radyo, bakit parang ang sikat nito eh… wala namang kwenta yung pinapalabas ng kantang to?
Magpasalamat ka.
Minsan tayong mga Pilipino ay madalas makakaligta na magpasalamat sa mga simpleng tulong na ibinibigay ng kapwa natin sa atin. katulad na lamang ng…
- Pag-aabot ng bayad sa Jeep ng iyong katabi. kung minsan naiinis ka at di iniaabot ang bayad mo ng katabi mo pwes huwag sapagkat hindi obligasyon ng katabi mo na iabot ang bayad mo at kung kanya namang iabot ito dapat lamang na ikaw ay MAGPASALAMAT.
isa lamang iyan sa mga pangyayari sa atin na halos lahat ay nakakalimutan na magpasalamat.
Huwag Manghusga Agad.
Maging mabuti sa bawat taong iyong nakakasalamuha, hindi mo man sila kilala o kaibigan maging mabuti pa rin sa kanila dahil bawat taong iyong nakakasalamuha araw-araw ay may pinagdadaanan.
- Malay mo yung taong tumatakbo ng mabilis ay nabunggo ka at kinagalitan mo pa ay may hinahabol pa lang importante sa kanya? o kaya naman may emergency siyang dapat puntahan agad?
- Malay mo yung nakasakay mo sa Jeep kanina na gusot-gusot ang polo ay hindi pala basta sinuot lang yon?malay mo wala silang plantsa o kaya naman walang kuryente sa kanila.
Ilan lamang iyan sa mga pangyayaring madalas maganap ngunit minsan ating inuunahan agad ng panghuhusga. May iba’t ibang pinagdaraanan ang mga taong ating nakikita at nakakasalamuha sa bawat araw na dumarating sa buhay natin kaya naman huwag agad amnghuhusga sa bawat iyong nakikita bagkus unawain muna kung bakit ganoon ang kanilang ginagawa o kanilan g kaanyuan at huwag agad-agad manghusga dahil kahit ikaw sigurado kong ayaw mong hinuhusgahan ka agad.
Hindi lang napapansin ang post mo, kung ano-ano ng sinasabi mo sa mga famous? teh, hindi kasalanan ng mga tinatawag mong famous kung walang nagla-like o nagrereblog ng post mo! nasa sa’yo at followers/readers mo ang kasalanan kaya tigil tigilan na yung mga kung ano-anong sinasabi mo teh! gandahan na lang at pabonggahin pa ng lalo ang mga post mo… pasasaan ba’t darating din ang mga note na kinauuhawan mo.
May nabasa ako sa isang kwento ni Jessica Concha na kapag May ginawa kang masama sa isang taong iyong kinaiinisan ay hindi mo ikakaunlad iyon, Maganda man daw sa pakiramdam ngunit wala namang maibabago sa buhay mo.
Tama naman di ba? Oo maganda sa pakiramdam kung nagagawa mong miserable ang buhay ng taong kinaiinisan mo pero wala namang magagawa yun sa pag-angat mo sa kahit anong aspeto ng buhay.
Ang pag-gawa ng hindi maganda sa ibang tao lalo na sa kinaiinisan mo ay hindi ka-aya-aya, kaya naman iyo nalamang tigilan ang pag ganti sa mga taong nanakit at naging masama sa’yo bagkus gamitin mo na lamang na mga hudyat iyon upang pagtibayin ang iyong sarili at lalong ipakita sa kanila na wala silang magagawa sa’yo at hindi ka papaapekto sa kanila. mahirap man sa umpisa ngunit paglipas ng mga araw iyo ring matatamo ang iyong pinaghirapan. Huwag kang mawalan ng tiyaga na ipamukha sa kanila ang mga kamalian nila at iyong ipakita na kaya mong patunayang mali sila ng akala sa iyo.
Ang tunay na babae at lalaki ay TAO.
Unpredictable. hindi pwedeng sabihin na “Ang tunay na lalaki ay ggajkhkdhask.” at “Ang tunay na babae ay ;klhjlkhasda.”, ikaw na ba ang gumawa ng tao para malaman mo kung ano ang tunay na babae at lalaki? bakit ko nga ba nasabing unpredictable? nasabi kong unpredictable kasi iba-iba ang tao, anong gusto mo? lahat ng pinopost mo na “ang tunay na lalaki” at “ang tunay na babae” ek-ek ay maging katangian ng isang lalaki o babae? kung ganoon edi pare-parehas na ang tao, wala ng pinagkaibahan. at saka wala tayo sa lugar upang diktahan ang bawat isa kung PAANO MAGING TUNAY NA LALAKI AT BABAE.
Alam mo ba ang pakiramdam ng mahusgahan dahil lang sa hitsura mo?
-Starfire of Teen Titans.
Kanina habang ako ay nanoood ng simpleng cartoon na Teen Titans, aking narinig ang sinambit na mga kataga ni Starfire. ano nga ba ang pakiramdam ng mahusgahan ng dahil sa histura mo, syempre masakit di ba? yung wala naman silang alam sa pinagdaraanan mo ngayon kaya ganun yung hitsura mo tapos huhusgahan ka lang ng di maganda? hindi ko alam sa mga tao ngayon bakit ganito TAYO, oo TAYO, dahil maging ako man ay nanghuhusga rin dahil sa hitsura ng isang tao. Nasa loob tayo ng mundong mapanghusga kaya wala kang maasahang tao ngayon na kahit minsan hindi ka huhusgahan. mahirap mamuhay kung bawat galaw at ayos mo ay may masasabi sila. mahirap na bawat galaw at ayos mo may kailangan kang imeet na expectation. napakiharap na talagang mamuhay ngayon.
Secrets.
Lahat ng tao may sikretong tinatago. Ang sikreto ay sadyang personal kaya naman hindi ito pinagkakalat ngunit madalas ito ay kumakalat dahil na rin sa mga taong walang magawa kundi ang usisain ang isang bagay na hindi naman nila dapat malaman. maraming uri ng sikreto…
- Personal na Sekreto
- Sikretong Pampamilya
- Secret Recipe/ingredient
ilan lang yan sa mga sikreto pero ang pinakatatago natin.
May mga sikreto na sadyang kapag nalaman ay akala mo kung sino ang mga taong nakaalam nun, parang napakalinis nila at kung umasta ay akala mo hindi nagkakamali.Hindi man lang nila alamin ang dahilan kung bakit nagawa mo iyon. sadyang ang mundo ay puno na ng mapanlait at mapanghusgang tao.


