Natatawa ako.

kapag nagpopost kasi ako pinopost ko muna bago basahin saka ko lang sya babasahin kapag na-post na tapos todo edit kapag andaming mali, hindi ko talaga ugali yung magbasa muna bago magpost.

May 29. 2 Notes.

Magandang Gabi!

Kamusta? tagal ko na naman hinidi nakapag-update… ayaw pa kasi paayos ni mama yung PC namin dami pa kasing kailangan gastusan, alam mo naman pasukan ngayon at kailangan lahat ng gamit bago! paano ba naman kasi nasunog lahat ng gamit namin walang natira hahaha!

May 29. 4 Notes.

Sa 380 na blog na pinafollow ko, iilan na lang ang nakikilala ko. ganun na ba ako katagal naging inactive?

May 08. 2 Notes.

Bumalik ang pagka-Anime Lover ko dahil kay Myrtle.

Nung Linggo tuwang-tuwa ako kasi nakabili ako ng DVD ng matagal ko ng hinahanap na Anime, “His and Her Circumstances” ang title ng Anime na ito.

Eto yung Anime na talagang inaantay ko sa Studio23 noon, pagkatapos siya ng “Get Backers” bago siya mag “Wazzup Wazzup” noon. Hindi ko pa siya nauumpisahan. Wala pang oras eh.

May 08. 5 Notes.

Minsan kailangan ring matuto kang makibagay, hindi yung laging ikaw na lang ang uunawain at tatanggapin. kallangan matuto ka rin na makisama.

May 07. 1 Notes.

Magandang Gabi!

Kamusta? andami ko nang hindi kilala na pinafollow ko, antagal ko na kasing di active. andaming nagpalit ng URL! hindi ko na talaga makilala at maalala yung iba. :(

May 07. 1 Notes.

Bigla kong namiss mag-tumblr.

May 05. 1 Notes.

Taylor Swift Joke.

Kanina pinagkatuwaan ako nila Kuya Aldrin sabi patay na daw si Taylor Swift. alam mo yung sinabi pa nilang binalita daw sa dyaryo. yung ganon tapos pinagoogle pa nila sakin sa cp ko. ako naman ginoogle ko naman! hahaha! hindi naman talaga ako naniniwala sa joke na yun pero kasi nung kinulit nila ako tapos yung reaction nila parang totoo na may halong panloloko. basta parang nadala ako sa reaksyon nila tapos andun yung para talaga akong namatayan ng kaibigan or relative nakakaasar sila! basta parang ang laking impact sakin kapag nawala si Taylor Swift.

Apr 26. 8 Notes.

COVERS.

Minsan naasar ako sa mga nagcocoment sa nagcocover ng mga kanta pero hindi naman ako against sa mga nagcocover. kasi nabuburaot ako na makabasa ng comment na….

“MUCH BETTER THAN THE ORIGINAL!”

ALam niyo kasi talagang magiging mach better yun sa original kasi nga cover yun kailangan talaga medyo iba siya at medyo mas maganda siya kesa sa original kasi naman kapag parang kapareho lang yan nung original, walang papansin nun! baka boses lang naiba dun.

Apr 13. 1 Notes.

April 16!

2 impotant things ang mangyayari sa araw na yan.

  • KUHANAN NG GRADES.

Kinakabahan ako. baka kasi may bagsak ako pero sana wala pls lang talaga! at sana walang tres yung grade ko pero tingin ko meron. hahaha! anu ba yan. basta sana wala siyang bagsak masaya na ako doon. ang hirap kasing umulit ng subject na nakuha mo na,

  • BIRTHDAY NG TATAY KO.

Birthday niya. at since birthday niya dapat bigyan namin siya ng regalo. minsan lang yun sa isang taon kaya naman ang napagplanuhan ko ay…………. FAKEBOOK, BANNER at CAKE. siguro naguguluhan ka no? hahaha!

FAKEBOOK.

Ito yung gagawa ako sa isang cartolina na para siyang FACEBOOK tapos andun kaming lahat para kaming nag lagay sa wall niya ng GREETINGS. ang ganda ng concept sana magawa ko siya ng maayos katulad ng nasa plano :)

BANNER

Ito naman yung gagawa kami sa isang Cartolina ulit ng lettering na nakasulat na “Happy Birthday!”

CAKE

At dahil birthday niya dapat may cake!bibili kami ng cake pero 120 lang halos ang maiipon naming magkakapatid kaya si MAMA na ang bahala sa kulang! hahahaha! bakasyon kasi eh.

Apr 13. 3 Notes.

Sira pa rin.

Sira pa rin yung nabili kong card reader! bwisit!

Apr 10. 0 Notes.

Ako na apektado.

Apektadong apektado ako dun sa ending ng ebook na nabasa ko, gawa ni Jessica Concha yung kwento. Bakit ako apektado? kasi iniisip ko magkakatuluyan yung 2 bida pero hindi. pucha ewan ko pero nalungkot talaga ako sa ending ng kwento. kasi yung ending namatay yung lalaki kasi di na ata nakayanan ng puso niya, may butas daw kasi… basta kung may time kayo download niyo na lang o kaya search niyo siya, “A place in time” ni Jessica Concha.

Apr 04. 4 Notes.

Iba nakakasira.

Nakakainis talaga kapag ibang tao yung nakakasira ng gamit mo, nakakawala ng tiwalang magpahiram. bumibili ka para may magamit ka pero sila yung sisisra. nakakaasar naman eh. bwisit!

Apr 04. 1 Notes.

New DP.

Hahaha. mas cute talaga ako kapag di nakatingin sa camera XD

namimiss ko na talaga mag-tumblr.

Malapit na naman eh. baka next week na sa amin na yung TV at computer namin ang kaso wala nga lang kaming internet connection pa. hahaha.badtrip eh.

Mar 31. 2 Notes.

Taong bundok.

Dahil wala kaming TV para tuloy akong taong bundok, ngayon ko lang nalaman si anna banana I love you a bunch(narinig ko lang kay Papa Jack nung isang araw), si wako-wako hindi ko rin kilala at mga kung ano ano pang kaganapan sa mundo ng telebisyon >.<

Mar 24. 3 Notes.
next »